Home NATIONWIDE Higit P27M humanitarian assistance naipamahagi na ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta...

Higit P27M humanitarian assistance naipamahagi na ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ni Basyang

259
0

MANILA, Philippines – Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit P27 milyong halaga ng humanitarian assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Basyang.

Sa news forum nitong Sabado, Pebrero 7, sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na nakapagbigay ang ahensya ng family food packs, ready-to-eat food boxes, at non-food items katulad ng hygiene kits at modular tents lalo na sa mga kasalukuyang nasa evacuation centers.

Matatandaan na nag-landfall ang bagyong Basyang sa Bayabas, Surigao del Sur noong Huwebes ng gabi.

Nagdala rin ito ng malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Nag-iwan ito ng walong nasawi, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Ani Dumlao, pupunta si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Iligan City para alamin kung ano pa ang kailangang karagdagang tulong sa mga apektado ng sama ng panahon.

“Nagpadala ng request ang Iligan City for augmentation support —2,300 family food packs and ready-to-eat food boxes, modular tents, and hygiene kits at ito naman ay naihatid na natin but we wanted to make sure,” sinabi pa ng opisyal.

“Aside from Iligan City, nakapag hatid na rin ng tulong sa Misamis Occidental, mis oriental, agusan del norte, surigao del norte, surigao del sur, at dinagat islands,” dagdag pa ni Dumlao.

Naghanda ang ahensya ng 3.5 milyong family food packs sa iba’t ibang warehouse sa buong bansa bago pa manalasa ang bagyong Basyang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here