Home HOME BANNER STORY Lacson: Pagsuko sa Kalayaan Islands parang pagsuko sa buong Pilipinas

Lacson: Pagsuko sa Kalayaan Islands parang pagsuko sa buong Pilipinas

258
0

MANILA, Philippines – Katumbas ng pagsuko sa buong Pilipinas ang suhestyon na isuko ang Kalayaan Island Group (KIG) ng Palawan, sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Sabado, Pebrero 7.

“Under international law, first discovery and possession of land that belongs to no one under the legal principle of ‘res nullius’ or ‘terra nullius’ is a recognized mode of sovereign ownership. Even non-lawyers were taught this in school,” ani Lacson.

Sinabi ni Lacson na natagpuan ng Filipino adventurer na si Tomas Cloma ang Spratly islands at inokupahan ito sa ilalim ng “res nullius,” o ang sinumang makadidiskubre at titira sa isang lupain ay kikilalaning may-ari nito.

Kalaunan ay itinurn-over ni Cloma ang pag-aari ng naturang lupain sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sa official website, kinikilala ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan na si Cloma ang nakadiskubre noong 1947 sa uninhabited islands sa Spratlys kung saan matatagpuan ang Kalayaan Islands.

Kinilala rin ng Kalayaan si Cloma at kapatid nito, kasama ang 40 lalaki na naunang tumira sa mga isla.

Ang pahayag ni Lacson ay kasunod ng sinabi ni Senador Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) noong Miyerkules na maaaring isuko ng Pilipinas ang KIG dahil ito ay nasa labas ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Matapos umani ng negatibong komento mula sa mga residente ng isla at eksperto, sinabi ni Marcoleta na ang ilang mga tao “were abbreviating the context” ng kanyang pahayag.

“‘Yan ang hindi ko mapalampas,” ani Lacson.

“When I heard Senator Marcoleta say that we should give up KIG, I had to clear the issue and assert why KIG is ours. Senator Marcoleta claimed the KIG is outside the EEZ, and I cannot accept that because there were Filipinos living on Pagasa Island,” sinabi pa ng senador.

Sa pagdinig ng CA, sinabi ni Marcoleta na dapat isuko ng Pilipinas ang KIG sa Palawan dahil ang features nito ay “way beyond our exclusive economic zone (EEZ).”

“Mayroon tayong mga isla na occupied natin ngayon, ang KIG. May apat na features sa KIG—Pag-asa, Parola, Kota, at Lankiam. Incidentally, itong apat na features ay way, way beyond our EEZ. Wala sila sa sakop ng EEZ,” ayon pa kay Marcoleta.

“Ang gawin natin para madali, i-give up natin ang KIG then maco-coordinate na natin lahat.”

Iginiit naman ng Malakanyang na patuloy nitong ilalaban ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng naging pahayag ni Marcoleta.

Pinuna naman ni retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio si Marcoleta “for following the Chinese position.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here