MANILA, Philippines- Nasabat ng mga pulis ang mahigit P307 milyong halaga ng imported sugar kasunod ng pagsakalay sa tatlong magkakahiwalay na bodega sa Bulacan nitong Biyernes.
Sinabi ni Police Col. Ranie P. Hachuela, officer-in-charge ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na bahagi ang mga operasyon ng agresibong kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling at iba pang ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng agricultural products.
Sa kaso ng 95,568 sako ng bigas na nadiskubre sa loob ng tatlong warehouse sa Meycauayan City, inihayag ni Hachuela na ipinagbabawal ng batas ang ilegal na pag-iimbak ng agricultural products dahil nakaaapekto ito sa presyo ng produkto sa pamilihan.
“Illegal storing of agricultural products, including sugar regardless of quantity, is considered economic sabotage, thus, against the law,” pahayag ni Hachuela.
Ang mga operasyon ay isinagawa ng CIDG Bulacan Provincial Field Unit at iba pang police units sa pamamagitan ng search warrant na nakuha sa tulong ng Department of Agriculture Inspectorate Enforcement (DA IE) at Sugar Regulatory Administration (SRA).
Sa operasyon sa industrial park sa Barangay Perez, natuklasan ng CIDG operatives ang sako-sakong asukal na nagkakahalaga ng P307,675,950.
Inihayag ni Hachula na naghahanda ng kasong paglabag sa Republic Act 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016) laban sa mga sangkot na may-ari.
“The operations underscore our unyielding stance against smuggling of agricultural products and economic sabotage. With the confiscation of this allegedly illegally stored very large amount of sugar, we significantly prevented hoarding and economic sabotage,” wika ni Hachuela. RNT/SA