NORTHERN SAMAR– Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa serye ng engkwentro sa Barangay Nagoocan, Catubig, iniulat kahapon.
Ayon sa ulat ng 8th Infantry Division, isang rebelde ang napatay at isang sundalo ang nasugatan sa engkwentro sa loob ng isang pursuit operation sa magkahiwalay ng sagupaan noong Hunyo 3 at 5.
Narekober sa operasyon ang isang Ultimax squad automatic weapon, isang M16 rifle, at isang Uzi submachine gun. Tinitingnan ng mga awtoridad kung ang mga ito ay pag-aari ng pamahalaan.
Ayon kay Maj. Gen. Adonis Ariel Orio, malaking hakbang ang pagbawi sa mga government-issued firearms upang hindi na ito magamit ng mga teroristang grupo sa kanilang mga operasyon.
“Significant step ito sa muling pagkontrol ng military assets ng gobyerno at pagsugpo sa karahasan sa mga komunidad,” ani Orio. Mary Anne Sapico