MANILA, Philippines – Nasamsam ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 3 Office ang nasa mahigit P36 milyong halaga ng mga iligal na sigarilyo matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang warehouse sa bayan ng San Simon.
Batay sa ulat kay CIDG Region 3 Chief P/Col Grant Gollod, alinsunod sa programang “Oplan MegaShopper”, ikinasa ang operasyon.
Sa bisa ng Search Warrant mula sa Korte, sinalakay ng mga awtoridad ang warehouse na naging imbakan umano ng mga iligal na sigarilyo.
Nakumpiska ng CIDG ang nasa 573 master cases ng ilang mga brand ng umano’y mga iligal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P36,958,500.
Mahaharap sa patung-patong na kaso ang ilang indibidwal na sangkot sa mga nasabat na kontrabando. ROEL TARAYAO