CALABANGA, CAMARINES SUR- Naaresto ng Bicol police ang hinihinalang drug pusher sa buy-bust nitong Miyerkules sa Labo, Camarines Norte.
Nasamsam nila ang hinihinalang shabu (crystal meth) na nagkakahalaga ng mahigit P6.9 milyon mula rito.
Iniulat ng mga pulis na nahuli si “Rich,” 33, matapos magbenta ng droga sa isang poseur buyer sa Barangay Bautista ng alas-3:15 ng madaling araw.
Narekober sa kanya ang 1,020 gramo ng hinihinalang shabu, nagkakahalaga ng halos ₱6,936,000.
Sinabi ng mga pulis na itinuturing ang suspek na isang high-value individual (HVI) sa drug trade.
Nasa kustodiya na ng Labo police station
ang suspek at ang nakumpiskang droga at mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA