Home NATIONWIDE 84 Chinese POGO workers pauuwiin na

84 Chinese POGO workers pauuwiin na

MANILA, Philippines – Nakatakdang ipa-deport ng Pilipinas ang nasa 84 na Chinese nationals na nagtatrabaho sa iba’t ibang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sites.

Ang mga dayuhan ay nagtrabaho para sa mga POGO hub na nilusob ng mga awtoridad sa Bamban, Tarlac; Lapu-Lapu City, Cebu; Pasay City; at Paranaque City.

Binantayan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pag-alis ng mga POGO worker mula sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, ipinroseso na ng immigration officers ang mga POGO worker bago i-check in sa kanilang flight.

“Ang ginagawa kasi diyan 45 days po silang ika-quarantine ano and then after that yung Chinese authorities will be checking on yung participation nila rito kung anong krimen ang pwedeng isampa sa kanila sa China,” ani Cruz.

“Kasi nga sobra-sobra na yung nakakulong natin dito sa atin yung mga nahuhuli natin na mga POGO workers at ito yung part POGO 1,000. So far nakakahigit kumulang 200 na kami so we’re looking at another 800 pa,” dagdag pa niya.

Hindi ikinokonsidera ng mga Chinese authority ang mga indibidwal na ito bilang biktima.

“Ito yung kinatatakot nila, yung mai-deport sila ng diretso sa China… They have to face yung kasalanang ginawa nila dito sa atin kasi talagagang hindi sila kino-consider na mga biktima pag sa China,” sinabi pa ni Cruz. RNT/JGC