Home HOME BANNER STORY Higit P605M ismagel na sigarilyo nasabat ng BOC sa Bulacan

Higit P605M ismagel na sigarilyo nasabat ng BOC sa Bulacan

269
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P605 milyon halaga ng mga ismagel na sigarilyo na nagmula umano sa bansang China at Vietnam ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang inspeksyon sa isang bodega sa Plaridel, Bulacan.

Nabatid sa BOC na isinagawa ang nasabing inspeksyon sa bisa ng Letter of Authority, kasunod ng mga ulat ng paniktik ng mga kahina-hinalang aktibidad sa bodega.

Sa operasyon, natuklasan ng mga operatiba ng BOC, sa pangunguna ni LOA Team Leader IO3 Paul Pacunayen, ang 8,647 master cases ng imported na sigarilyo na walang kaukulang tax stamp ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang mandato ng Pilipinas ng graphic health warnings.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Intelligence and Enforcement Groups ng BOC, kasama ang Intellectual Property Rights Division, Customs Intelligence and Investigation Service–Manila International Container Port, at Enforcement and Security Service–Port of Manila, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard, Philippine National Police, at mga opisyal ng barangay ng Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Ayon sa BOC, tatlong indibidwal ang nahuli sa inspeksyon at kasalukuyang sumasailalim sa inquest proceedings sa harap ng Department of Justice.

Maglalabas din ng Warrant of Seizure and Detention para sa paglabag sa Section 263 ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997, gaya ng amyendahan, National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 02, s.2020, at Section 1113 ng Republic Act No. 10863, na kilala rin bilang Republic Act No. 10863, or Tariff Modernization.

Dagdag pa rito, isasampa ang mga reklamong kriminal laban sa rehistradong may-ari at proprietor ng bodega kung saan natuklasan ang mga ipinagbabawal na sigarilyo.

“Our proactive enforcement ensures that we are fully compliant with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to stop illicit cigarettes from infiltrating legitimate trade channels and protect the welfare of our citizen,” ani Commissioner Ariel F. Nepomuceno. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here