Home NATIONWIDE Higit P800M pinsala sa imprastruktura natamo kina Ofel, Nika at Pepito; kalsadang...

Higit P800M pinsala sa imprastruktura natamo kina Ofel, Nika at Pepito; kalsadang sarado nabawasan na

MANILA, Philippines – Nabawasan na at bumaba sa walo na lamang ang mga kalsada na hindi madaanan ng mga motorista sa Cordillera Administrative region, Cagayan Valley region at Central Luzon dahil sa mga pagbaha, landslide at nasirang tulay dulot ng mga nagdaang bagyo.

Bukod dito, mayroon ding limang kalsada na limitado pa rin ang maaring makadaan dahil sa pagguho ng lupa,mga natumbang puno,pagguho ng lupa at iba pa.

Samantala, nalinis na at binuksan na ng DPWH Disaster and Incident Management Teams ( DIMT) ang kabuuang 59 kalsada na isinara dahil sa tropical Cyclones Nika, Ofel at Pepito.

Ang inisyal na halaga ng pinsala sa imprastraktura ay umaabot sa P884.20 milyon na saklaw ang P369.10 milyon sa kalsada, P14.66 milyon sa tulay at P500.42 milyon para sa flood control infrastructure. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)