Home LIFESTYLE HEALTH Breast cancer cases sa bansa, higit 33K na sa 2024

Breast cancer cases sa bansa, higit 33K na sa 2024

270
0

MANILA, Philippines – Nangunguna pa ring uri ng cancer sa Pilipinas ang breast cancer, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos, umabot na sa 33,079 ang kaso ng breast cancer sa bansa ngayong 2024, kung saan 17.5% ay bagong kaso.

Layon naman ng DOH na mas paigtingin pa ang kampanya sa early screening and detection para maagapan nang maaga ang breast cancer.

Kamakailan, inilunsad ang Breast Cancer Early Detection Services sa Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Iloilo City, bilang parte ng malawakang kampanya ng DOH kaugnay ng breast cancer.

“Let’s ensure that the women in our lives know the importance of regular breast screenings. if breast cancer is found early ,the chances of survival is much, much higher”, sabi ni Health Secretary Ted Herbosa.

Ang ginawang hakbang ng WVMC na magkaroon ng sariling pasilidad na maghahatid Diagnostics hanggang Therapeutic services mula sa iba’t-bang cadre ng healthcare workers kabilang ang mga Gyne specialists, Pediatric oncologists, at Hematologists ay kinikilala ng Kagawaran. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here