MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 13 ang naitalang kaso ng monkeypox o mpox sa Calabarzon matapos madagdagan pa ng 4 na bagong kaso, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.
Ayon sa DOH, nasa edad sa pagitan 24 at 66 ang mga pasyente na nagsimulang makaranas ng sintomas sa unang lingo ng Nobyembre.
Lahat ng apat na pasyente ay nasuring positibo sa Clade II variant na isang bahagyang uri ng virus.
Dalawa sa mga pasyente ay lalaki mula Rizal habang dalawang iba pa ay isang lalaki at isang babae n amula Laguna.
Ang tatlong lalaking pasyente ay kasalukuyang naka-home isolation.
Samantala, ang 66 anyos na baabeng pasyente ay naospital ngunit nakarekober na noong Nob.19, ayon sa DOH.
Tiniyak ng DOH-Center for Health Development Calabarzon Regional Epidemiology Survellaince Unit sa publiko na mahigpit na binabantayan ang sitwasyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)