San Fernando, Pampanga- Sa pagpapaigting ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director PBGEN Redrico Maranan na maglagay ng solar-powered blinker lights sa mga signage sa lahat ng police stations at outposts sa buong rehiyon.
Binigyang-diin ni Maranan ang kahalagahan ng inisyatibong ito upang palakasin ang presensya ng pulisya at matiyak na ang mga komunidad ay madaling tumungo sa mga himpilan ng pulisya, lalo na tuwing gabi at sa oras ng mga emergency.







