MANILA, Philippines – Makakaapekto ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Nobyembre 23.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang easterlies sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Zamboanga del Norte, at Palawan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Habang ang Batanes at Babuyan Islands naman ay maaapektuhan ng Northeast Monsoon o Amihan. RNT/JGC