MANILA, Philippines – Iniutos ng House committee on good governance and public accountability na ilipat ang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na si Zuleika Lopez sa Women’s Correctional sa Mandaluyong City mula sa Detention Facility ng Kamara.
Sa kautusan na ipinadala sa Office of the Vice President na pirmado ni House committee on good governance and public accountability chair Rep. Joel Chua ay iniutos nito kay House Sergeant-At-Arms Napoleon Taas na ilipat si Zuleika sa Women’s Correctional Facility.
Ang kautusan ng komite ay base sa naging unanimous decision ng komite matapos ang kanilang naging pagpupulong.
“You are hereby ordered to effect the transfer of Atty. Zuleika T. Lopez. from her detention in the House of Representative to the Women’s Correctional Facility, Mandaluyong City, immediately, so ordered,” nakasaad sa kautusan.
Si Lopez ay nasa kustodiya ng Office of the Sergeant-at-Arms ng Kongreso matapos patawan ng contempt habang naging malaking usapin naman ang seguridad ni VP Sara nang magpumilit na manatili sa Batasan Complex para samahan si Zuleika. Gail Mendoza