UNITED STATES – Naaresto ng mga awtoridad sa Los Angeles, California ang suspek sa pamamaril-patay sa apat na indibidwal, kabilang ang dalawang Filipino noong Nobyembre 16.
Inanunsyo ng Los Angeles County Sheriff Office ang pagkakaaresto sa 19-anyos na suspek na si Miguel Sandoval, residente ng Lancaster.
Ayon sa Sheriff’s Office, sinampahan ng murder si Sandoval dahil sa pagpatay kina Christine Aca-Ac, 26, at Janvi Maquindang, 21, kapwa Filipino at magkapatid, maging sina Edwin Garcia, 24, at Matthew Montebello.