Home METRO Higit P94M kush, buking sa 6 inabandonang bagahe sa NAIA

Higit P94M kush, buking sa 6 inabandonang bagahe sa NAIA

2
0

MANILA, Philippines – Anim na abandonadong bagahe na nadiskubreng naglalaman ng mahigit P94,000,000 halaga ng kush ang kinumpiska ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa NAIA Terminal 3 nitong Martes ng hapon, Setyembre 1.

Base sa inisyal na report ng IADITG, dakong ala-1:00 ng hapon nang madiskubre ang ilegal na droga na laman ng anim na abandonadong bagahe sa Customs Secondary Inspection Area, NAIA Terminal 3, Pasay City.

Ayon sa IADITG, ang anim na abandonadong bagahe ay lulan ng Cebu Pacific Air Flight 5J 932, kung saan napag-alamang ang mga ito ay pag-aari diumano ng mga pasaherong sina Kato/Kazuki at Akahira/Makoto na may tig-tatlong bagahe na nakapangalan sa kanila.

Ang bawat bagahe ay nadiskubreng naglalaman ng tig-19 vacuum-sealed bags na may kabuuang timbang na 62,980 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P94,470,000.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim ang mga ito sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nasasangkot na indibidwal sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga operatiba ng PDEA RO NCR, kabilang ang Bureau of Customs-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan/larawan ni Jimmy Hao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here