Home HOME BANNER STORY Higit-pisong sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

Higit-pisong sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

270
0

MANILA, Philippines – Asahan ang taas-presyo sa gasolina at diesel sa susunod na linggo, ayon sa Jetti Petroleum, matapos ang dalawang sunod na linggo ng rollback.

Tinatayang tataas ang presyo ng diesel ng P1.30 hanggang P1.50 kada litro, habang P0.60 hanggang P0.80 naman ang dagdag sa gasolina.

Ang pagtaas ay dulot ng tumitinding demand sa pandaigdigang merkado, pagbaba ng produksyon sa US, at muling pag-atake ng mga Houthi sa Red Sea, na nagpapataas sa presyo sa kabila ng nakaambang dagdag-supply mula sa OPEC+ sa Agosto.

Iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na presyo sa Lunes, at ipatutupad ito sa Martes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here