Home METRO Katawan ng nawawalang TNVS driver, itinuro ng mga suspek sa N. Ecija

Katawan ng nawawalang TNVS driver, itinuro ng mga suspek sa N. Ecija

223
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bangkay ni Raymond Cabrera, TNVS driver na pinaslang sa Parañaque, sa Barangay Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija ngayong Biyernes.

Itinuro ng mga suspek ang kinaroroonan ng katawan, na nakatagong nakasiksik sa damuhan malapit sa isang marker sa gilid ng kalsada.

Si Cabrera ay huling nakitang buhay noong Mayo 18, matapos niyang isakay ang mga suspek sa Parañaque. Sa halip na makarating sa Cavite, pinaikot-ikot ang sasakyan.

Sa dashcam audio, narinig na hindi na siya ang nagmamaneho at may mga tunog ng pananaksak.

Nauna nang sumuko ang tatlong suspek, at narekober sa CCTV na bumaba ang dalawa sa Valenzuela noong araw ng krimen.

Ayon sa NBI, kailangang kilalanin muna ng pamilya ang bangkay bago tuluyang makumpirma. Nilinaw rin ng ahensya na hindi pa sarado ang kaso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here