Home METRO Higpit-seguridad paiiralin sa UP-Diliman kasunod ng stabbing incident

Higpit-seguridad paiiralin sa UP-Diliman kasunod ng stabbing incident

MANILA, Philippines- Ipagpapatuloy ng University of the Philippines-Diliman (UPD) ang pagtatalaga nito ng karagdagang security personnel matapos ang insidente ng pananaksak sa loob ng Quezon City campus.

Sa abiso nitong Lunes, pinaalalahanan ng UP-Diliman ang mga estudyante at faculty nito na manatiling alerto at iulat ang anumang “suspicious to the authorities.”

“The UPD administration will continue deploying more security personnel in different areas of the campus,” saad sa post.

Anang UPD, dakong alas-8 ng gabi noong Lunes, rumesponde ang campus police sa isang ulat ng stabbing incident sa National Science Complex (NSC).

Dinala ang biktima sa sa ospital habang hinawakan naman ng Quezon City Police District ang kaso.

Habang sinusulat ito, wala pang panibagong detalyeng inilalabas hinggil sa insidente.

Samantala, nanawagan ang UPD na makipag-ugnayan sa Public Safety and Security Office sa 0917-5971984 sa sa UPD Police sa 8981-8500 local 113 sakaling magkaroon ng emergency. RNT/SA