Home NATIONWIDE PAOCC: Ulat ng ‘general, fiscal’ na dawit sa POGO ‘info leak’ fake...

PAOCC: Ulat ng ‘general, fiscal’ na dawit sa POGO ‘info leak’ fake news!

MANILA, Philippines- Itinanggi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Martes na may tinutugis itong isang heneral at isang prosecutor na umano’y nasa likod ng paglabas ng impormasyon sa mga raid laban sa illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firms.

Iginiit ni PAOCC spokesman Winston Casio na isang vlogger, at hindi PAOCC, ang nag-isyu ng maling ulat.

“Fake news yun. A vlogger said that, not PAOCC,” wika ni Casio. “Hindi general nor piskal hinahabol namin, ibang tao.”

Sinisilip ng mga awtoridad ang posibleng information leak sa raid sa isang POGO hub sa Porac, Pampanga noong Hunyo 4.

Nauna nang sinabi ni Casio na nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa “only” 158 Chinese, Vietnamese, at Malaysian nationals, kumpara sa inaasahang mahigit 1,000. RNT/SA