Home NATIONWIDE Higpit-seguridad sa mga pantalan at terminal sa W. Visayas, ipinatupad

Higpit-seguridad sa mga pantalan at terminal sa W. Visayas, ipinatupad

244
0

ILOILO CITY – Pinaigting ng Police Regional Office (PRO) 6 ang seguridad sa mga pantalan, terminal ng bus, at pampublikong lugar sa Western Visayas habang papalapit ang Pasko, kasabay ng pagdagsa ng mga pasaherong pauwi at mamimili.

“Bago tayo lumabas sa ating mga bahay, i-ensure natin na naka-lock ang ating mga bahay, ang pintuan, even ang bintana. Safety reminders sa ating mga kababayan, kung minsan magpo-post kaagad tayo kung saan tayo pumupunta na maaaring magbigay ng opportunity sa mga may balak na gumawa ng krimen,” ani Major Lailyn Sencil, tagapagsalita ng PRO 6.

Mabagal ang trapiko sa mga pangunahing kalsada halos buong araw, na nakakaapekto sa kita ng mga drayber. Ayon kay taxi driver Wilfredo Malacad, “Humina rin. Mahina ang income kasi matagal kaming makabalik at maka-pick up ng pasahero.” Inaasahan naman ni Ruben Escalera na lalala pa ang trapiko sa paglapit ng Disyembre 24.

Nakatuon ang PRO 6 at Iloilo City Traffic and Transportation Management Office sa mga chokepoints, at pinapayuhan ang mga motorista na sumunod sa batas trapiko at magpakita ng pasensya. Idinagdag ang karagdagang tauhan at force multipliers para mapanatili ang kaayusan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here