Home OPINION HINDI BA PWEDENG ‘PILIPINAS MUNA’?

HINDI BA PWEDENG ‘PILIPINAS MUNA’?

1
0

PATULOY na umaani ng batikos ang ‘spokesman’ ng mga Kano sa usapin ng South China Sea na si Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela, sa kanyang “pang-uurot” na magalit ang mga Pinoy sa China, palayasin si Chinese Ambassador Jing Quan at panukalang amyendahan ang batas hinggil sa “pagtataksil sa bayan” (‘treason’) upang maikarsel ang lahat ng kontra sa posisyon nila ni Secretary Gibo Teodoro na magkaroon ng giyera sa pagitan ng ‘Pinas at China.

Ano kaya ang pakiramdam na sa sarili mong ‘wall’ sa FB, “inuulan” ka ng batikos at pangungutya?

Syempre, mayroon din na mga “komento” na kung tawagin ng mga miron ay “sanggang-diin.” ‘Yun bang… sang-ayon sa sinasabi mo pero may kasamang panglilibak, aguy!

Katulad nang isang komento kung saan sinabing “suportado” niya si Tarriela sa direktang komprontasyon sa China pero, pwede ba, ‘work from home,’ na lang kami at bahala na siyang personal na harapin ang kanyon ng China, Ha! Ha! Ha!

At dahil “nagulpi” sa sarili niyang FB account, ipinapakalat naman ngayon ng kampon, ehek, kampo ni Tarriela, na mga ‘China troll farms’ ang bumabanat sa kanila, Hi! Hi! Hi!

Oops! Hindi ba ‘press freedom’ at ‘right to freedom of opinion’ ang tawag d’yan na bahagi ng ating demokrasya at ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas?

Hindi ba dapat ay “mahimasmasan” sila na mga responsableng opisyal ng gobyerno at matutong makinig sa sinasabi ng mas nakararaming Pilipino na ayaw namin ng digmaan at mas gusto nilang resolbahin ang ano mang problema sa pamamagitan ng diplomasya?

Kung hindi kayang tanggapin ng mga katulad ni Tarriela na may mga opinyon na taliwas sa kanilang kwento, eh, bakit hindi pa kayo magdeklara ng batas militar at ibalik ang ‘Pinas sa panahon ng Diktadura at Pasismo?

Ang “benepisyo? “Maipakukulong” ninyo ang LAHAT nang mga Pinoy na hindi kayang lunukin na muli tayong maging “alila” ng mga Kano gamit ang palusot na “inaabuso” tayo ng China.

Hmmm. kailan kaya papasok sa utak ng mga ito na hindi natin kailangang maging ‘pro-America’ o ‘pro-China’ para lang magkaroon tayo ng katahimikan at magsimula na ang ating pag-asenso?

Hindi ba talaga pwedeng… Pilipinas muna, bago ang sino pa man?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here