Home TOP STORIES Hindi Pulitika, Kundi Pagkakaisa: Pacquiao at Aquino, nagkita sa Butuan City

Hindi Pulitika, Kundi Pagkakaisa: Pacquiao at Aquino, nagkita sa Butuan City

BUTUAN CITY — Yakap na simbolo ng pagkakaisa at pagiging mahinahon sa gitna ng kampanya ang ipinakita ng mga kandidatong senador na si Manny Pacquiao at Bam Aquino nang magkita sa kampanya sa Butuan City nitong Martes.

Nagyakap sa harap ng mga tagasuporta sina Pacquiao at Aquino kaya nagsisigawan sa tuwa.

Si Aquino, na kilala bilang kaalyado ng oposisyon, ay ngumiti habang papalapit kay Pacquiao. Nagbatian ang dalawa at nagyakapan — na nagpapakita ng respeto at iisang layunin – ang maglingkod sa sambayanang Pilipino anuman ang kulay ng pulitika.

Nitong buwan ng Abril, sa kampanya sa Caloocan, nakasalubong din ni Pacquiao sina Bong Go at Willie Revillame na mga kapwa kandidato sa pagkasenador.

Bagamat magkaiba ng partido sa pulitika , sinalubong sila ni Pacquiao ng pakikipagkamay at tango ng paggalang .

Sina dating Bise Presidente Leni Robredo at dating Manila Mayor Isko Moreno — na dati niyang mga katunggali sa halalan noong 2022 — parehong nagpahayag ng suporta sa kanyang kandidatura ni Pacquiao sa Senado.

Naniniwala si Pacquiao na wala dapat kinikilalang kulay ng pulitika kung prinsipyo para sa mga Pilipinonang pag-uusapan.

“Sa akin, basta para sa kabutihan ng bansa at ng mga mamamayan, kasama ko kayo. Ang laban na ito ay hindi tungkol sa partido kundi sa prinsipyo at serbisyo” ani Pacquiao.

Nanawagan din si Pacquiao ng pagkakaisa at inklusibong pag-unlad na inuuna ang taumbayan at ang bansa higit sa pulitika. RNT