Home HOME BANNER STORY PNP all-set na para sa 2025 elections; zero violence target

PNP all-set na para sa 2025 elections; zero violence target

MANILA, Philippines – Inihayag ni Philippine National Police Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na “100% kumpleto” na ang paghahanda para sa halalan sa Mayo 12, 2025, kung saan handa nang i-deploy ang 163,000 pulis sa buong bansa.

Aktibo na ang National Election Monitoring Action Center (NEMAC) at Media Action Center ng PNP para sa real-time na koordinasyon at pagbibigay ng impormasyon.

“Handa na kami para sa halalan… Ang layunin namin ay zero violence,” ani Marbil, na binigyang-diin din ang suporta ng PNP sa transportasyon ng automated counting machines.

Hinikayat niya ang publiko na i-report ang vote buying sa E-911 at pinaalalahanan ang mga pulis na manatiling apolitical. Santi Celario