MANILA, Philippines – Pinayuhan ang mga Pilipinong bumibiyahe o nasa Pakistan na iwasan ang mga lugar malapit sa hangganan ng India at Pakistan matapos ang pag-atake ng India sa bahagi ng Kashmir na kontrolado ng Pakistan noong Mayo 7.
Tinawag na “Operation Sindoor,” isinagawa ang air strikes bilang tugon sa teroristang atake noong Abril 22 sa Pahalgam, India, na ikinasawi ng 26.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Islamabad, dapat iwasan ang Bhimber City, Azad Kashmir, ang Sialkot Line of Control, at mga lugar limang milya mula sa border. May 30 Pilipino sa Sialkot, ngunit walang naiulat na nasaktan.
Ayon sa India, teroristang pasilidad lamang ang pinuntirya at hindi mga pasilidad ng militar ng Pakistan. RNT