Home NATIONWIDE Hirit na pagtataas ng buwis sa capital gains, binawi ng DOF

Hirit na pagtataas ng buwis sa capital gains, binawi ng DOF

Inatras ng Department of Finance (DOF) ang panukalang batas na magpapataas ng buwis sa capital gains, donor’s, at estate tax mula 6% hanggang 10%.

Ang panukalang GROWTH Bill (Government Revenues Optimization through Wealth Tax Harmonization) ay inurong matapos ituring ng DOF na hindi kailangan ang karagdagang buwis dahil sa matatag na kalagayan ng mga pondo ng gobyerno.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang koleksyon ng buwis ay lumago ng 13.55% sa unang kwarter ng 2025. Magpapatuloy ang DOF sa pagtutok sa mga non-tax revenue sources at mga hakbang tulad ng CREATE MORE Act at Public-Private Partnership (PPP) Code upang mapalakas ang mga pamumuhunan at kita ng gobyerno.

Ipinahayag ni Rep. Joey Sarte Salceda ang buong suporta sa desisyon ng DOF, at sinabi niyang mahusay na pinapalakad ng gobyerno ang pondo nito nang hindi pinapasan ang mamamayan ng bagong buwis. RNT