Home ENTERTAINMENT Phillip Salvador, pasok na sa Magic 12, nagpasalamat!

Phillip Salvador, pasok na sa Magic 12, nagpasalamat!

Manila, Philippines- Ayos!

Pasok na nga sa ‘winning circle’ o sa Magic 12 ang pangalan ng aktor na si Phillip Salvador sa ranking ng mga senatoriables sa Pulse Asia survey.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng randomly selected face-to-face interviews nationwide sa 2,400 na mga Pilipino na may edad 18 paitaas.

Si Phillip ay mula sa partidong PDP-Laban.

Ang PDP-Laban ang partido ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.

FYi, si Kuya Ipe ay kaibigan at masugid na tagasuporta ni dating Pangulo Duterte, na nakakulong sa kasalukuyan sa The Hague, Netherlands, dahil sa kasong Crimes against Humanity na isinampa ng International Criminal Court.

Isa si Phillip sa mga nagpunta sa Villamor Airbase, Pasay City at dumamay kay Duterte nang dakpin ito noong Marso 11, 2025.

Kung matatandaan, nagkaroon din ng isyu noon ng binigyan ng malisya ang pag-aasikaso at pagdamay ni Phillip kay Honeylet Avanceña, ang common-law wife ni Duterte.

Pero pinagtawanan lamang ito ng aktor dahil magpinsan sila ni Honeylet.

“Magkamag-anak kami ni Honeylet. Pinsan ko siya. Salvador ang family name ng nanay niya,” sabi ni Phillip sa isang interview sa Pep.ph.

At dahil pumasok ang pangalan ni Phillip sa winning circle ng Pulse Asia survey, trending ngayon ang pangalan ni Phillip sa social media.

Sari-saring reaksyon ang inilabas ng netizens.

Pero hindi raw apektado si Phillip ng mga batikos dahil nangingibabaw sa kanyang puso ang pasasalamat sa mga kababayang nagtitiwala sa kakayanan niya.

“Sobrang happy ako. God is soooo good! Wala akong tigil sa dasal at lalo ko pang sisipagan ang pangangampanya. Bawal ang mapagod!” pahayag ni Phillip.

Umangat na nga sa ika-labing tatlong pwesto ng Senatorial survey ang aktor na si Philip.

Base ito sa huling Pulse Asia Survey na may +-2 na margin error.

Ang iba pang artistang pasok sa Magic 12 ng latest Pulse Survey ay sina Tito Sotto, Bong Revillame, Willie Revillame, Lito Lapid, at Manny Pacquiao. JP Ignacio