MANILA, Philippines – Ibinasura ng Pasig RTC Branch 159 ang petisyon para sa piyansa ni Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ, at limang kasamahan sa kasong qualified human trafficking at sexual abuse.
Sa 23-pahinang desisyon noong Hulyo 20, sinabi ng korte na may matibay na ebidensiya laban sa mga akusado na nagpapakita ng “malakas na presumption ng pagkakasala.”
Nilinaw ng korte na hindi ito nangangahulugang prejudgment ng kaso kundi pasya lamang sa usapin ng piyansa.
Ayon sa reklamo, ang mga biktima, na sumali sa KOJC noong 2011, ay inabuso sa ilalim ng tinatawag na “bodily connection ministry” at pinagtinda ng pagkain bilang diumano’y obligasyong espiritwal.
Si Quiboloy ay nahaharap sa non-bailable qualified human trafficking charge sa ilalim ng RA 9208 at hiwalay na kasong child abuse sa ilalim ng RA 7610 sa Quezon City. Santi Celario