Manila, Philippines- Isa si Vice Ganda sa Pinoy celebrities na hindi nawawala sa listahan ng top taxpayers sa bansa.
Kaya naman hindi niya naikubli ang kanyang pagkadismaya sa nagaganap na katiwalian sa bansa lalo na’t nabunyag ang tungkol sa maanomalyang flood control projects na sangkot ng ilang mga pulitiko.
Sa kanyang noontime show, inilabas niya ang sama ng loob ng taumbayan sa patuloy na pagbabayad ng buwis kahit may katiwalaan.
Sey ni Meme, naniniwala siya na dapat magkaroon ng “tax holiday” hangga’t hindi naibabalik ang ninakaw na pondo ng bayan.
Ang kanyang pahayag ay ginawa niya sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa bilyon-bilyong pondong sangkot sa korapsyon.
“Sana wag niyo kaming pagbayarin muna ng tax, sana may tax holiday.
“Kasi ninanakaw niyo, e.
“Kung talagang mahal ng mga nasa gobyerno ang mga Pilipino, maglambing naman kayo, wag niyo muna kami pagbayarin.
“Hangga’t di naaayos,” aniya.
“Hindi pwedeng ninakaw niyo yung tax namin tapos magbabayad pa rin kami. Ibalik niyo muna yung ninakaw niyo sa’min, di ba?,” giit niya.
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa netizens ang kanyang panawagan.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Araw-arawin mo sila Meme.”
“Huwag titigilan hanggang walang napapanagot.”
“LOUDER.”
“Dapat ibalik yung ninakaw! Tapos bat dipa nakukulong yang mga magnanakaw puro kayo hearing tapos wala din may makukulong!”