Home NATIONWIDE PBBM, hihiling ng Emergency fund sa dalawang Kapulungan sa sunud-sunod na kalamidad...

PBBM, hihiling ng Emergency fund sa dalawang Kapulungan sa sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa

308
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dudulog siya sa Senado at Kongreso para humingi na Emergency fund.

Sa isinagawang situation briefing sa Bogo, Cebu, sinabi ng Pangulo na kanyang pupuntahan ang dalawang Kapulungan makaraang mabisita ang Masbate at ngayong araw naman ay ang Cebu.

Ani Pangulong Marcos, paubos na kasi QRF o quick response fund ng mga ahensiya na nagamit sa nakaraaang mga bagyong humagupit sa bansa.

Binanggit dito ng Pangulo ang magkasunod na bagyong Nando at Opong na ilang araw pa lang ang nakalilipas ay sumunod naman ang paglindol sa Cebu.

Nauna rito, personal na binisita ni Pangulong Marcos ang mga biktim ang 6.9-magnitude earthquake sa Cebu province, para pangasiwaan ang relief efforts at palawigin ang agarang tulong sa mga apektadong residente.

Dumating ang Pangulo sa Bogo City, ang epicenter ng tinatawag na Sept. 30 powerful earthquake, kung saan ininspeksyon niya ang ilan sa labis na napinsalang istraktura at nakipag-ugnayan sa ilang mga biktima.

Ininspeksyon ng Pangulo ang gumuhong housing units sa SM Cares Village sa Barangay Polambato at kinausap ang mga apektadong pamilya.

Ang SM Cares Village ay itinayo ng SM Supermalls noong November 2014 para sa mga survivors ng Super Typhoon Yolanda.

Matapos ito, binisita ng Pangulo ang Archdiocesan Shrine and Parish Church of St. Vicente Ferrer sa Barangay Bungtod, nagtamo ang simbahan ng matinding pinsala sa nangyaring paglindol.

Binisita rin ng Pangulo ang City of Bogo Science and Arts Academy sa Barangay Cogon, isang public school na napinsala sa panahon ng paglindol.

Binisita rin ng Chief Executive ang Cebu Provincial Hospital sa Barangay Taytayan, kung saan tiniyak niya sa mga pasyente ang agarang relief assistance. Ang hospital staff ay naglagay ng makeshift wards sa parking lot para daluhan at asikasuhin ang pagdagsa ng mga pasyente.

Sa kabilang dako, kaagad na ipinag-utos naman ng Pangulo ukol sa relief operations sa kanyang mga Cabinet officials na kasama niya kabilang na sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa.

Makaraan ang site inspections, pinangunahan ng Pangulo ang situation briefing held na idinaos sa Bogo City Hall. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here