MANILA, Philippines – Umapela ang iba’t ibang transport groups kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng dagliang aksyon sa direksyon ng ipinatutupad na Public Transport Modernization Program (PTMP) dahil hindi konbinsido ang grupo ng transport group sa tinatahak ng PUV Modernization program.
Ayon kay Pasang Masda national President Roberto “Obet” Martin nagdududa na sila sa kawalan ng direksyon na pinupuntahan ng Public Transport Modernization Program (PTMP) dahil hindi pa handa ang grupo ng transport para ipatupad agad ang PUV modernization program.
Sa ginanap na press conference kanina sa Quezon City sinabi ni Martin na wala nang direksyon ang tinatakbo ng PUV Modernization Program at hindi malinaw ang programa ayon pa sa lider ng transport.
“Dapat magkaroon ng Rigodon” sa hanay ng LTFRB upang maging malinaw ang direksyon na tinatakbo ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ayon kay Martin.
Sinabi pa ni Martin na pinag-uusapan ang pagbabago sa PTMP pero ang bulok na pamamaaraan sa LTFRB at DOTr ay pareho rin at mabagal, walang time line, kulang sa feed back at dialogue at umano’y parang may pinoprotektahan na mga tao.
“Kailangan din magkaroon ng balasahan sa LTFRB dahil sa mga bulok na opisyal na nakaupo sa naturang ahensya” ayon pa sa transport group.
Nauna nang sinabi ng Department of Transportation na walang balak ang ahensya na pansamantalang itigil ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) at itutuloy ng pamahalaan ang modernization program.
Kaugnay nito ipinahayag ng Malakanyang na magpapatuloy ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, subalit binigyang-diin na hindi ito dapat ipatupad nang padalos-dalos o nang walang sapat na paghahanda para sa mga apektadong sektor.
Kabilang sa humihiling sa Pangulo na rebyuhin ang prorama ng Modernization Program ang grupo ng Magnificient 7 na binubuo ng pitong malalaking transport groups na Pasang Masa, LTOP, FEtodap, ACto, Altodap, Stop and Go at Busina. (Santi Celario)