Home ENTERTAINMENT Heart, no show sa oath-taking ng SSFI!

Heart, no show sa oath-taking ng SSFI!

277
0

Manila, Philippines – Tulad ng inaasahan, with the change in leadership at the Senate ay binalasa rin ang Sentorial Spouses Foundation, Inc.

Dahil si Sen. Tito Sotto na nga ang Senate President, it follows that his wife Helen Gamboa takes over.

But it’s not so sa kaso ni Sen. Kiko Pangilinan dahil ang anak niyang si Frankie ang kumakatawan sa kanya, not Sharon Cuneta.

Ganoon din sa kaso ni Sen. Lito Lapid dahil ang anak naman niyang si Mark ang representative.

Heart–who was not around during the oath-taking–was replaced nga by Helen.

May ilan ang nalungkot dahil wala na sa eksena si Heart.

Marami raw kasi itong magagandang proyekto para sa SSFI.

With Helen at the helm, ano kaya ang ipatutupad niyang proyekto?

May unsolicited advice para sa mga maybahay ng mga mambabatas–ito’y ang iwasang i-flaunt o ibuyangyang ang kanilang lavish lifestyle.

“Suki” lately ang mga immediate relatives ng mga lawmakers who flaunt their “wealth” carelessly on social media.

Sa aspetong ito’y tiyak na hindi mapupuntusan si Helen dahil ever since nama’y low-key lang ito.

Samantala, ang senatorial wife na si Mariel Rodriguez ang napagbalingan kung bakit hindi sumipot si Heart sa panunumpa.

Siyempre, walang maibigay na sagot si Mariel–spokesperson ba siya ni Heart? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here