Siargao, Philippines – Inihahalintulad ang relasyon nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa naudlot na romansa nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Obyus naman daw kasi ang common denominator meron ang dalawang couples.
Parehong engaged na sina Bea at Andi to their respective partner until nagkahiwalay sila.
Ang kaibahan nga lang, may dalawang supling sina Andi at Philmar.
Bukod dito’y merong third party umano sa relasyon nila–a Swiss girl on Philmar’s part.
Bale ba, kakapasok pa lang ng Year of the Snake nitong January 29.
Ang hiwalayang Andi-Philmar is the second showbiz relationship to have fallen apart pag pasok ng 2025.
“Buena mano” sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
But for all we know, may hatid na maganda ang Andi-Philmar breakup.
That is, ang matagal nang hinihintay na pagbabalik ni Andi sa showbiz.
Sayang nga lang, ayon sa marami.
Posible raw kasi na hindi ‘yon nangyari kung nabubuhay pa ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose.
The very first Filipino actress to have won the top acting award at the Cannes Film Festival in France passed on around this time last year. Ronnie Carrasco IIi