Manila, Philippines- Napakasaya ng ginanap na 60th birthday celebration ng BG Productions International producer na si Ms. Baby Go na ginanap sa Valle Verde, Country Club.
Dumalo ang pamilya, mga kaibigan, ilang artista, mga direktor at mga kaibigan sa entertainment press.
Masayang binalita ng film producer na muling magiging aktibo ang kanyang kumpanya sa pagpo-prodyus ng mga de-kalidad na pelikula at mainstream projects
Ang BG Productions International ay nagsimulng mag-produce nuong 2013 sa pamamagitan ng pelikulang “Lihis” na sinulat ng National Artist na si Ricky Lee sa direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Jake Cuenca, Isabel Daza, Joem Bascon at Ms. Gloria Diaz.
Agad itong nasundan ng isa pang de-kalidad na pelikula na “Lauriana” written also by Ricky and directed by the late Mel Chionglo topbilled by multi-awarded actor Allen Dizon and Bangs Garcia.
Pagkatapus noon ay nagkasunod-sunod na ang mga pelikulang nagawa ng BG Productions.
Sa kabila ng mahirap na kalagayan ng industriyang Pilipino ay ibinahagi ni Ms. Baby na “full blast” ang kanyang pagpo-produce simula ngayong 2025.
Sinabi niya na paulit-ulit na ang pagprodyus ng pelikula ay kanyang “passion”.
Mostly mainstream movies ang nakatakda niyang gawin na pagbibidahan ng mga sikat na artista. Ngunit hindi puwedeng mawala ang mga pang-international film festival na planong ilaban muli sa international film festival- kung saan nakilala ang BG Productions.
Naka-line up ang mga pelikulang gagawin nina Lamangan, Louie Ignacio, Lester Dimaranan (sa proyektong co-produce nila ni Atty. Topacio ng Borracho film), Ralston Jover, Adolfo Alix Jr at Zig Dulay.
Masayang-masaya si Mam Baby at super excited sa mga nakalinyang pelikula na gagawin ng kanyang produksyon.
Siyempre hindi mawawalan ng proyekto ang kanyang mga ‘babies’ na sina Allen Dizon (na paborito ng kanyang kumpanya), si Kate Brios , Rhea Usares at ilang mga baguhang talent na ipapakilala soon.
Sa mga susunod na araw ay isa-isang ibabahagi ng BG Productions ang mga proyekto na gagawin nila with final casting.
Kaabang-abang dito ang mga proyektong gagawin sa Brazil, Bahrain at Australia.
Sinu-sinu kaya ang mga suwerteng mapapasama sa mga piling-pili na proyekto?
Sa pagtatapos ay naibahagi rin ni Mam Baby ang pagtakbo niya sa partylist. Mercy Lejarde