Home NATIONWIDE Iloilo LGU naglagay ng security sticker sa PWD ID cards vs pamemeke

Iloilo LGU naglagay ng security sticker sa PWD ID cards vs pamemeke

MANILA, Philippines – Nilagyan na ng security stickers ang nasa 15,643 Persons with Disability Identification (PWD) sa Iloilo City, para masigurong ang mga ito ay lehitimo.

Ito ay makaraang simulan ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ang paglalagay ng security label sa PWD ID cards kasabay ng mga naglipana na pekeng ID.

Sa ulat, nasa 841 pekeng PWD ID cards ang nakumpiska sa Iloilo City mula noong 2023.

“Ang EO [executive order] ni Mayor [Jerry Treñas] effective March 1 of last year [2024], ipinag-uutos sa establishments na huwag i-honor ang mga PWD card issued by Iloilo City Government kung walang security label,” pahayag ni Joy Fantilaga, spokesperson ng Iloilo City Government.

Bago naman makakuha ng PWD ID card sa Iloilo City, kailangan munang magpakita ng medical certificate na nagpapakita ng kapansanan nito.

Maaari ring makakuha ng PWD ID ang may visual impairment basta’t ito ay may rekomendasyon ng ophthalmologist. RNT/JGC