Home ENTERTAINMENT HLG shooting, dinumog; Direk Cathy, nakiusap!

HLG shooting, dinumog; Direk Cathy, nakiusap!

99
0

Calgary, Canada – Mahinahon pero halatang bad trip nang bahagya si direk Cathy Garcia nang humarap sa mga nag-uusyoso sa shooting ng Hello Love Again sa isang residential area sa Calgary, Canada.

In a diplomatic tone, nakiusap ang direktor na kung maaari’y umalis sa kalye ang mga nanonood ng shooting.

Aniya, hindi raw naman kasi sila ang mga tagaroon na nadi-disrupt ang peace and quiet sa naturang lugar.

Pag nagkaganoon daw ay tiyak irereklamo ang produksyon.

After the complaint comes ang posibleng pagpapatigil ng shoot,  bagay na ayaw mangyari ng direktor.

Kung tutusin nga raw ay maari niyang paalisin ang mga nakapalibot na usyosero.

“But I’m not going to do that,” paglilinaw niya.

Para masolusyunan ay may suhestyon ang direktor, “Let’s meet halfway.”

Ito nga ‘yung dapat klaro ang kalye sa tapat ng bahay na pinagsu-shootingan.

“Because these are the only two houses that allowed us to shoot here,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi raw niya maaaring pahintulutan ang mga bida ng HLA na lumabas para bumati sa kanila, “Because I’m doing emotional scenes.”

Nangako naman ang direktor na maaari niyang gawin ‘yon pag tapos na ang take.

“Pag pinanood n’yo ‘yung pelikula, malintindihan n’yo kung bakit,” pakiusap pa niya.

May November 16 playdate, ang HLA ay sequel ng Hello Love Goodbye na ipinalabas five years ago.

This time a collab between Star Cinema and GMA Pictures, it topbills Kathryn Bernardo and Alden Richards.

Both play OFWs whose paths cross. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here