Home ENTERTAINMENT Sylvia, na-iyak at na-excite sa Paris Olympics!

Sylvia, na-iyak at na-excite sa Paris Olympics!

160
0

Paris, France – First time makapanood ng Olympics si Sylvia Sanchez.

With her husband Art Atayde, youngest child Xavi and friends ay ine-enjoy ng aktres ang panonood ng Paris Summer Olympics 2024.

llan lang daw sa mga nasaksihan niyang laban ng ating mga atleta ay sina Carlos Yulo sa gymnastics na nagwagi ng gold, at si Sam Catantan sa fencing.

Sylvia only has these words to describe her feeling while watching them compete: “Nakaka-proud! Nakakaiyak! Nakaka-excite!”

Wala raw ginawa ang aktres kundi mag-cheer sa ating mga kinatawan to the point na wala na raw siyang boses.

Bilang isa na ring film producer via her Nathan Studios, may balak si Ibyang na iprodyus ang ating mga atleta ng pelikula.

Nais daw niyang ipakita sa pelikula ang pinagdaraanang hirap ng mga ito bago nakarating sa Paris.

Tipong inspirational daw ang tema.

Samantala, higit na “OA” raw ang ginawang pagtsi-cheer ni Sylvia kay Sam dahil taga-District 1 ito.

Sa Unang Distrito ng Quezon City ang kinakatawan ng anak niyang si Cong. Arjo Atayde.

And speaking of game watching, asahan mo raw na kahit tawagan mo si Ibyang habang nanonood ay dededmahin lang niya ang tawag.

Ayaw daw nitong magpaistorbo! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here