Home METRO Holdaper ng samgyupsalan timbog sa mga parak sa Bulacan

Holdaper ng samgyupsalan timbog sa mga parak sa Bulacan

192
0

Bulacan – Arestado ang isang holdaper na tumangay ng nasa P25,000 benta ng samgyupsalan sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Hulyo 14.

Ayon kay PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, nakilala ang naarestong suspek na si alyas “Man”, residente ng Brgy. Sto. Cristo.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 10:20 ng gabi sumalakay ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo sa  Samgyupsalan sa Brgy. Kaypian.

Tinutukan umano ng patalim ng suspek ang tauhan ng tindahan hanggang sa puwersahang tangayin nila ang kinitang P25,000 at mabilis na tumakas.

Nang matanggap ang report ng SJDM police ay agad nagsagawa ng follow up operation kaya naaresto bandang 10:55 ng gabi ang isa suspek na kargado ng patalim at narekober sa kanya ang perang kinulimbat.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang patuloy ang manhunt operation sa nakatakas ng kasabwat. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here