Home METRO P6.793trillion proposed budget sa susunod na taon, aprubado ni PBBM

P6.793trillion proposed budget sa susunod na taon, aprubado ni PBBM

319
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang P6.793 trillion proposed budget para sa susunod na taon.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na layon nito na mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at pagaanin ang pamumuhay ng mga filipino,

Ani Castro, sa ginanap na Cabinet meeting sa Malakanyang, umaga ng araw ng Martes, Hulyo 15, binigyang diin ni Pangulong Marcos na sisiguruhin niya na ang 2026 budget ay hindi lamang pang-economic growth kung di maiangat ang buhay ng bawat filipino at ang susunod na mga henerasyon.

Sa ilalim aniya ng administrasyong Marcos, mahalaga ang kapakakan ng bawat isa at kinabukasan ng taumbayan tungo sa mas progresibo at maunlad na Bagong Pilipinas. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here