Home NATIONWIDE Hontiveros dismayado sa mga kaganapan sa Senado

Hontiveros dismayado sa mga kaganapan sa Senado

79
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pagkadismaya si Senador Risa Hontiveros sa mga kaganapan kamakailan sa Senado kabilang ang mga kaguluhan at balasahan.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na nalulungkot at nahihiya siya sa tila pagiging katatawanan ng Senado sa pangyayari.

“Habulan at taguan sa hagdan. Girian sa pagitan ng mga security at law enforcement personnel. May empleyado ng Senado na nasaktan.

The Senate is going viral for the wrong reasons. That affects everything and everyone: majority and minority, Senate employees, and most of all, the work that we do for the Filipino people. Walang panalo sa ganyan,” ani Hontiveros.

Kasabay nito ay nanawagan siya sa bagong liderato ng Senado na protektahan ang dignidad at reputasyon ng Senado laban sa posibleng epekto nito sa pananaw ng taumbayan.

“As always, we can disagree. We must challenge each other. But the Senate must not become a mockery in the face of the Filipino people, especially when the public is looking to us to faithfully perform our Constitutional duties,” dagdag pa niya.

Nanindigan naman si Hontiveros na hindi titiklop sa pagpapanagot sa mga umaabuso sa kapangyarihan sa bayan at sinigurong ang kapakanan ng mamamayan ang uunahin sa kabila ng mga pangyayari sa Senado. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here