Home HOME BANNER STORY Malakanyang umaasa ng patas na Senate impeachment proceedings

Malakanyang umaasa ng patas na Senate impeachment proceedings

70
0

MANILA, Philippines – UMAASA ang Malakanyang ng patas na Senate impeachment proceedings laban kay Vice-President Sara Duterte.

Tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hindi manghihimasok ang Malakanyang sa nasabing proceedings sa Senado.

Binigyang diin ni Castro na ginagalang ng Malakanyang ang kalayaan ng Senado kasunod ng paghalal kay Senator Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate leader.

“Well, everything that happens in the Senate is within their power, it is within their authority to decide on all matters within the Senate,” ayon kay Castro.

Tinanong kasi si Castro ukol sa timing ng pagpapalit ng liderato sa Senado sa gitna ng impeachment proceedings kay VP Sara.

“So, hindi po panghihimasukan ng Pangulo iyong anuman po ang magiging desisyon ng Senado,” aniya pa rin.

Nauna rito, pormal nang inihalal bilang bagong Pangulo ng Senado si Cayetano sa ginanap na botohan sa plenary session ng Mataas na Kapulungan ngayong Lunes, Mayo 11.

Sa kabuuang 24 na senador na dumalo sa sesyon, nakakuha si Cayetano ng 13 boto, sapat upang talunin si Senator Vicente “Tito” Sotto III na nakakuha ng 9 na boto.

Sinabi ni Castro na malamang na ibinase ng mga kongresista ang kanilang desisyon sa ebidensiya at mga dokumentong inpinrisinta sa kanila.

“Nagdesisyon po ang House of Representatives. Nakita malamang nila ang mga ebidensya”, anito.

“Sana kapag ito ay napunta na rin sa Senado ay maging patas ang mga manghuhusga, ang mga senador natin,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Binigyang diin ni Castro na ang anumang desisyon ukol sa kung paano tatakbo ang impeachment trial ay nasa kamay na ng Senado.

“Nasa Senado na po iyan, nasa kamay na po iyan ng Senado,” ani Castro.

“Kung anuman ang gagawin nila diyan ay kung papabor para sa taumbayan o papabor lang sa iisang tao, bahala na po ang taumbayan humusga,” dagdag na wika ni Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here