Home TOP STORIES VP Sara impeachment, pagsuko ni Dela Rosa ipinanawagan ng Sandugo

VP Sara impeachment, pagsuko ni Dela Rosa ipinanawagan ng Sandugo

49
0

MANILA, Philippines – SUMUGOD ang grupong Sandugo sa senado sa pangunguna ni Ka Jet Gonzaga upang ipanawagan sa mga senador na ipagpatuloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Ka Jet marapat lamang na makakuha ng sapat na hustisya ang bawat mamayan sa kuwestyunableng paggasta sa pondo ng bayan.

(c) Cesar Morales

Ipinanawagan din ng grupo at ni Ka Jet kay Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa na isuko na ang kanyang sarili sa batas.

Samantala, hbang patungo sa Senado ang grupo ng Sandugo para sa isang kilos protesta ay sinalubong sila ng mga Pro-Duterte group at tinangkang wasakin ang kanilang mga hawak-hawak na mga placard.

Sa kabila nito ay pilit na lamang umiwas ang grupo at nakinig sa payo ng kapulisan na lumipat na lamang ng lugar na pagdadausan ng tahimik na kilos protesta.

Nanindigan pa si Ka Jet na suportado nila ang kasalukuyang adminitrasyon lalo na ang mga programa nito para sa bayan at mamamayan.

Naniniwala din si Ka Jet na ang sinumang nagkasala ay dapat na managot sa ating batas at pagbayaran ang bawat kasalanan niya lalo na kung ang pera pa ng taong bayan ang pinag-uusapan. RNT/Cesar Morales

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here