Home HOME BANNER STORY De Lima sa video ni Bato na tumatakbo sa hagdan sa Senado:...

De Lima sa video ni Bato na tumatakbo sa hagdan sa Senado: ‘Nasaan ang angas mo?’

130
0

MANILA, Philippines – “Nasaan ang angas mo?”

Ito ang naging tanong ni ML Party-list Representative Leila de Lima kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos mapanood ang video ng senador na tumatakbo sa loob ng gusali ng Senado.

“Noong pinakita sa akin yang video na yan na naghahabulan at muntik pa nga siyang madapa, natawa ako noon,” ani De Lima.

“Honestly, I viewed the scenery, the scenario, the scene as pathetic. Pathetic yung hitsura kasi nasaan na yung angas mo dati na chinallenge mo pa nga si Senator (Antonio) Trillanes ng mga, ‘Make my day, na kung gusto mo ikaw magpoposas sa akin.’ And that’s exactly what Sen Trillanes did. Nagpakita siya diyan to fulfill the wishes of Sen Bato. So nakakatawa and at the same time, nakakaawa rin,” dagdag ni De Lima.

Sinabi ni De Lima na alam ni Dela Rosa ang mga panganib nang siya ay lumutang sa Senado matapos ang ilang buwang pagliban.

“Alam niya ‘yan na meron nang warrant of arrest kaya nga siya nagtago ng what, four months? More than four months? Hindi siya nagpakita sa Senado. Hindi para magtrabaho pero this time around, because of that planned coup against the Senate leadership. So nagpakita siya for that purpose. That’s political actually in nature. Hindi para magtrabaho. So alam niya ‘yan, the risk,” ayon pa sa mambabatas.

Inalala ni De Lima ang kanyang karanasan noong siya ay arestuhin noong 2017 bilang isang incumbent senator dahil umano sa drug charges na kalaunan naman ay naibasura.

Aniya, sumuko siya nang silbihan ng arrest warrant.

“Wala po akong kinausap sa Senado para kupkupin ako ng Senado para lang hindi ako maaresto. Alam ko in the first place na wala akong basehan na magpakupkop dahil nandiyan ang warrant of arrest at hindi ako sakop ng parliamentary immunity,” ayon kay De Lima.

“So dapat ganoon din ang iniisip ni Senator Bato. Huwag na niyang gamitin ang Senado kasi nagpapasama yan sa imahe ng Senado bilang isang institusyon.”

Ani De Lima, ang protective custody na ibinibigay ng Kongreso sa mga miyembro nito ay isang “non-binding tradition.”

“Wala po sa batas, wala po sa Saligang Batas na sinasabi na kapag ang isang miyembro ng Kongreso, whether sa House o sa Senado ay inaaresto ay dapat protektahan o bigyan ng refuge o sanctuary. Wala po yan sa batas at sa Saligang Batas, sa Konstitusyon,” paliwanag ni De Lima.

“Yung tungkol naman sa parliamentary immunity, yes, there is such a thing. Parliamentary privilege from arrest if Congress is in session. But applicable only ‘pag ang ipapataw na parusa, yung imposable penalty is less than six years.”

“So kung above six years, ang clear yung crimes against humanity na ito ay punishable by reclusion perpetua,” dagdag pa ni De Lima.

Binanggit ni De Lima na ang Republic 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity ay hindi sinasabi na kailangan ang locally-issued warrant para ipatupad ang international warrant.

“Wala pong nakasabi roon na kailangan muna ng locally issued warrant of arrest na magco-complement para ma-implement talaga ang isang international warrant. So nandiyan pa yung batas – RA 9851. Hindi pa yan nare-repeal, hindi pa yan naa-amend. So it stays, the position na kailangan muna ng warrant of arrest, wala pong legal basis, legal and constitutional basis,” sinabi ni De Lima.

Nang tanungin naman kung maaaring arestuhin si Dela Rosa anumang oras, tugon ni De Lima:

“Yes, whether outside or inside Senate premises. Hindi siya covered ng parliamentary immunity. So strictly speaking, puwede talagang i-enforce na kaagad ang warrant of arrest kahit nandoon siya sa loob. Kung ayaw niyang lumabas, ayaw niyang mag-surrender, nakikipagtigasan, ayun po ang posisyon ng .. that’s the position of the arresting team because they have the legal authority to do so.”

Dahil dito ay nanawagan si De Lima kay Dela Rosa na irespeto ang proseso at magpakalalaki. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here