Home NATIONWIDE Hontiveros dudang walang opisyal na tumulong sa pag-eskapo ni Guo

Hontiveros dudang walang opisyal na tumulong sa pag-eskapo ni Guo

Hindi pinaniniwalaan ni Senador Risa Hontiveros na walang opisyal ng pamahalaan ang tumulong kay Alice Guo at kasama sa pagtakas sa Pilipinas patungong Indonesia nitong Hulyo.

Isinagawa ito ni Hontiveros, chairperson of the Senate committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), matapos banggitin ni Alice Guo na walang opisyal ng gobyerno na tumulong sa kanyang pagtakas.

Sinabi ni Guo Huang Ping sa tunay na pangalan na hindi nila kasama ang taong tumulong sa kanila sa pagtakas ng Pilipinas at tanging babaeng Asyano ang kasama nila.

“Hindi [ako naniniwala]. Kasi imposibleng ‘yung solong babaeng dayuhan daw na tumulong sa kanila ay ‘yun lang ang nag-disenyo at nag-gawa ng pagtakas nila,” ayon kay Hontiveros sa interview.

Naunang itinanggi ni Alice Guo ang pagkikilanlan ng taong tumulong sa kanilang pagtakas pero nang pigain siya ng mambabatas na isulat ang pangalan ng taong ito sa isang kapirasong papel. Hiniling ni Guo sa senador na huwag banggitin ang pangalan ng taong ito sa publiko dahil manganganib ang kanyang buhay.

Ayon kay Guo, ang taong ito ang nagbukas ng ideya sa pagtakas matapos nila itong komprontahin.

Kinumpirma naman ni Atty. Stephen David, Guo’s legal counsel, na binanggit ng dating alkalde ang pangalan ng taong tumulong sa kanila pero hindi puwedeng banggitin dulto ng attorney-client privilege.

“Wala [posisyon sa gobyerno], diba sabi niya dayuhan,” aniya sa isang interview.

Samantala, Umaasa naman si Hontiveros na magsasalita na si Alice Guo sa lahat ng taong tumulong sa kanya upang makalabas ng bansa.

“Kaya sa closing remarks ko sa hearing bago mag-suspinde, sabi ko, ‘yung ahensya lang ba na ‘yun, ‘yung BI lang ba ang sangkot? At sinu-sino particularly sa loob ng bureau? Kaya patuloy din ‘yung internal investigation ng lahat ng mga ahensyang nagi-imbestiga and unfortunately iniimbestiga rin,” ayon kay Hontiveros.

Naunang sinibak ng Palasyo si Immigration Commissioner Norman Tansingco matapos ang insidente. Ernie Reyes