Home NATIONWIDE Hontiveros kay Bato: ‘Sumuko ka na, igalang ang batas’

Hontiveros kay Bato: ‘Sumuko ka na, igalang ang batas’

44
0

MANILA, Philippines – Lantarang hinamon ni Senador Risa Hontiveros si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na igalang ang batas saka sumuko sa awtoridad alinsunod sa warrant of arrest na ipinalabas ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa crimes against humanity.

Kamakailan, nagpalabas ng warrant of arrest ang ICC sa naturang matapos idawit si Dela Rosa ng ilang saksi sa war on drugs na ikinamatay ng mahigit 30,000 indibiduwal kabilang ang maraming menor de edad.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na dapat mamayaninm ang rule of law, dapat manaig ang pagrespeto sa batas at prosesong legal.

“Inuulit ko ang aming panawagan kay Senator Dela Rosa: Igalang ang batas, at mag-submit at makipagtulungan sa mga alagad at proseso ng batas,” ani Hontiveros.

Isang linggo ang nakaraan, lumutang si Dela Rosa sa Senado upang bomoto sa pagpapalit ng liderato na ikinahalal ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano bilang senate president.

“I pray for the peaceful and lawful resolution of this situation which has already affected multiple institutions, and the entire country itself. May justice be served,” ayon kay Hontiveros.

Ngunit, nitong Miyerkoles, nagkaroon ng putukan sa Senado at walang nasugatan, nasaktan o namatay matapos magsimulang magbigay ng “warning shots” si acting OSAA Chief ret. Gen. Mao Aplasca.

Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Aplasca kinabukasan ng insidente. Ngayon, inatasan naman ng Department of Justice (DOJ) ang law enforcement agencies na dakpin si Dela Rosa sa bisa ng naturang warrant.

Sa kautusan ng DOJ, binalaan ni Justice Secretary Fredderick A. Vida laban sa tumutulong kay Dela Rosa na magtago dahil may pananagutan sinuman sa batas.

“Message to those aideing and abetting Bato evade arrest there are consequences – alam natin ang panuntuhan ng rule of law, may pananagutan hindi lang sa mata ng batas ng Pilipinas pati rin sa batas ng ICC dahil sitya  ay isang validly issued arrest warrant,” ayon kay Vida.   Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here