Home HOME BANNER STORY Hontiveros: Walang senador na maaaresto habang sesyon ng Senado

Hontiveros: Walang senador na maaaresto habang sesyon ng Senado

173
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros na walang senator ang maaaresto habang nasa sesyon ng Senado, kasunod ng pagkakasama nina Senators Christopher “Bong” Go at Ronald “Bato” Dela Rosa bilang co-perpetrators sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ani Hontiveros, nakabatay siya sa pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na ayon sa tradisyon, hindi maaaring arestuhin ang mga miyembro ng Senado sa loob ng sesyon.

Gayunpaman, inamin niya na masakit at kumplikado ang sitwasyon, at kailangan itong talakayin sa tamang panahon bilang isang institusyon.

Idinagdag niya na ang proseso ng ICC ay hiwalay sa lokal na korte, at sa ngayon ay wala pang iskedyul kung kailan tatalakayin ng Senado ang posisyon tungkol sa kaso nina Go at Dela Rosa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here