MANILA, Philippines – Natabunan ng lahat ng mga parangal at insentibo para sa double gold medalist na si Carlos Yulo at mga bronze medalist na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas ang marangal na kilos ng St. Luke’s Medical Center-Global City sa isa sa mga Paris Olympian.
Ang kilalang eksperto sa sports medicine na si Dr. Jose Raul Canlas sa St. Luke’s Medical Center-Global City ang umopera sa naputol na kaliwang anterior cruciate ligament (ACL) ni Samantha Catantan noong Biyernes — lahat ay libre.
“It’s an interesting story,” sabi ni Canlas, miyembro ng FIBA at pinuno ng Philippine Olympic Committee (POC) medical committee at direktor ng Institute of Orthopedics and Sports Medicine ng ospital.
“I did the major surgery on Sam’s knees and when the administration of St. Luke’s found out that she’s an Olympian, all her hospital bill were waived.”
Pinasalamatan ng POC ang St. Luke’s Medical Center-Global City sa marangal na kontribusyon nito sa Philippine sports.
Nagpasalamat si Catantan, 22, sa St. Luke’s Medical Center-Global City sa pamumuno ng CEO at president nitong si Dennis Serrano.
Sa kabila ng mahinang tuhod, si Catantan, ang kauna-unahang Filipina fencer na nagkwalipika sa Olympics, ay gumawa ng kasaysayan ng eskrima ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagharang sa round-of-64 upang umabante sa ikalawang round sa Paris.