Home NATIONWIDE Hotline vs isnaberong taxi, binuksan sa Baguio

Hotline vs isnaberong taxi, binuksan sa Baguio

1
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng pamahalaang lungsod ng Baguio ang mga pasahero na isumbong sa 911 hotline o Baguio In My Pocket application ang mga taxi driver na tumatangging magsakay o namimili ng pasahero.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, mahalagang iulat ang mga lumalabag na driver upang makapagsagawa ng imbestigasyon at kaukulang aksiyon ang mga awtoridad.

“We need to report so that the practice of some taxi drivers choosing passengers will stop. This is also for our safety and to ensure reliable public transportation in Baguio,” ani Magalong.

Maaaring direktang tumawag sa 911 ang mga pasaherong nasa loob ng Baguio. Geotagged ang hotline at konektado sa central command center ng lungsod.

Kailangang ibigay ng complainant ang plate number o body number ng taxi, paglalarawan sa sasakyan, petsa, oras at lugar ng insidente. Maaari ring magsumite ng larawan o video bilang ebidensiya.

Maaari ring ihain ang reklamo sa pamamagitan ng Baguio In My Pocket application.

Sinabi ni City Information Officer Aileen Refuerzo na makatutulong ang sapat na ebidensiya upang mapatunayan ang reklamo at matiyak ang patas at agarang imbestigasyon. Proteksiyon din ito para sa mga pasahero at driver laban sa mga walang basehang alegasyon.

Bahagi ang hakbang ng patuloy na programa ng lungsod upang matiyak ang ligtas, maaasahan at sumusunod sa batas na pampublikong transportasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here