Home METRO Rider utas sa sagasa ng getaway vehicle ng mga magnanakaw ng kable...

Rider utas sa sagasa ng getaway vehicle ng mga magnanakaw ng kable sa Makati

2
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang motorcycle rider matapos banggain ng getaway truck na sinasakyan ng 10 hinihinalang magnanakaw ng underground copper cables habang hinahabol ng pulisya mula Makati City hanggang Maynila noong Miyerkules, Hulyo 22.

Ayon sa Makati City Police Station, nahuli umano ang grupo habang nagnanakaw ng mga kable sa Magallanes, Makati City, matapos silang isumbong ng isang concerned citizen sa mga nagpapatrolyang pulis.

Binuksan umano ng mga suspek ang isang manhole at pumasok dito kahit walang nakapaskil na signage o awtorisasyon para sa maintenance o utility work.

Nang dumating ang mga awtoridad, mabilis na sumakay ang grupo sa isang truck van at humarurot sa Osmeña Highway patungong Maynila, dahilan upang habulin sila ng pulisya.

Sa kasagsagan ng habulan, bumangga ang truck sa isang motorsiklo at Toyota Vios sa kanto ng Quirino Avenue at Pedro Gil sa Maynila. Nasawi ang rider dahil sa insidente.

Naaresto ang 10 suspek, kabilang ang dalawang menor de edad na iniligtas at isinailalim sa kaukulang proseso. Nakatakas naman ang umano’y drayber ng getaway vehicle at patuloy na pinaghahanap.

Narekober mula sa mga suspek ang mga ninakaw na cable wire, bolt cutter, lagaring bakal, improvised hook, reflectorized shirt at ang truck van, na sinasabing nakaw din.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10515 o Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here