Home NATIONWIDE House arrest, compassionate release pinag-aaralan ng SC na solusyon sa siksikan sa...

House arrest, compassionate release pinag-aaralan ng SC na solusyon sa siksikan sa kulungan

1
0

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Supreme Court ang house arrest at compassionate release bilang hakbang para maibsan ang pagsisikip sa mga kulungan sa buong bansa.

Sa Justice Sector Coordinating Council Summit nitong Lunes, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na nire-rebisa ng Korte Suprema ang mga alituntunin sa detensyon at pagpapalaya ng mga persons deprived of liberty (PDL).

Kabilang sa tinitingnang opsyon ang house arrest, medical confinement, at community-supervised release, gayundin ang compassionate release para sa mga matatanda, may sakit, o karapat-dapat sa humanitarian release matapos mapagsilbihan ang minimum na sentensya.

Binigyang-diin ni Gesmundo na hindi dapat manatiling konsepto lamang ang hustisya kundi dapat maramdaman ng tao.

Aniya, hindi lang iisang ahensya ang may responsibilidad sa jail congestion kundi buong justice system — mula imbestigasyon hanggang pagpapatupad ng release orders.

Ibinahagi rin niya na nagpatupad na ng reporma ang Department of Justice sa paghahain ng kaso, habang pinalakas naman ng Department of the Interior sa pamamagitan ng BJMP ang paralegal at case-monitoring para mapabilis ang pagpapalaya ng PDL.

Dahil sa pinagsanib na aksyon ng tatlong ahensya, bumaba nang double digits ang national jail congestion rate.

“Sa likod ng bawat istatistika ay isang taong nakataya ang kalayaan, isang pamilyang naghihintay sa pagbabalik ng mahal sa buhay,” ani Gesmundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here